Sangguniang Bayan 63rd Regular Session on October 26, 2026
Ginanap ngayong ika-26 ng Oktubre 2026 ang Ika-63 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Cavinti, sa pangunguna ng ating Kagalang-galang na Pangalawang Punumbayan at Tagapangulo ng Sangguniang Bayan, Vice Mayor Milbert L. Oliveros, kasama ang mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan. Sa nasabing pulong, pinagtibay ang mga ordinansa na naglalayong makatulong sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Kasabay nito, buong pagmamalaking ipinapaabot ng Sangguniang Bayan ng Cavinti ang pagbati kay Geanne Keonnah F. Gordula mula sa Inao-awan Elementary School, Cavinti Sub-Office, sa pagkamit ng 1st Place sa Column Writing – English Category sa Division Level. Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanyang husay at talento sa larangan ng pamamahayag. Matapos ang regular na sesyon, isinagawa ang Budget Hearing upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa panukalang badyet. Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Cavinti sa pagsusulong ng maayos na paglilingkod at sa pagkilala sa mga tagumpay ng mga mamamayan ng ating bayan.
Recent Updates
Sangguniang Bayan 62nd Regular Session on October 19, 2026
Sangguniang Bayan 61st Regular Session on October 12, 2026
Sangguniang Bayan 60th Regular Session on October 5, 2026
Sangguniang Bayan 59th Regular Session on September 28, 2026